Hindi sapat yung mahal mo lang…
- Dapat masaya ka din.
- Dapat pinapasaya mo rin siya.
- Dapat ngumingiti ka kesa sa umiiyak ka.
- Dapat pinaparamdam mo din sa kanya na siya lang.
- Dapat nagtitiwala ka rin.
- Dapat matuto ka din na ‘wag mapagod.
- Dapat matuto ka din na ‘wag magsawa sa kanya.
- Dapat may mga bagay na sinasakripisyo ka para sa kanya.
- Dapat marunong ka din ‘wag magtanim ng galit sa kanya.
- Dapat ‘wag kang masyadong ma-pride.
- Dapat humihingi ka ng tawad, kapag may bagay kang nagawa na hindi niya nagustuhan.
- Dapat nag-effort din kayo para sa isa’t-isa.
- Dapat mas minamahal mo siya kesa sa mahal ka niya.
Sa isang relasyon, hindi lang love ang kailangan. Parang sa pagluto mo ng paborito mong ulam, hindi lang manok ang kailangan para maging adobo ‘yang niluluto mo… Sa love, andyan dapat ‘yung trust, pag-aalaga sa isa’t-isa, pasayahin siya, suyuin siya, effort at marami pang iba para mag-work ang relasyon na pinag-iingatan niyo… Kaya hindi sapat lang na mahal mo ang isang tao. Hindi lang love ang kailangan niya sa’yo.